Ang merkantilismo
ay sistemang pang-ekonomiya na naghahangad ng pagkakaroon ng maraming ginto at
pilak bilang tanda ng kapangyarihan at kayamanan. Ito ay lumaganap sa Europa na
kung saan noong panahong iyon, mas naging mahalaga ang pera o salapi na
bilang tanda ng kapangyarihan kaysa sa pag-aari ng ng lupa.
Ang sistemang pangkabuhayan na nagbibigay diin sa akumubisyon
ng ginto at pilak , pagtatatag ng mga kolonya at regulasyon ng kalakalan
panlabas upang pakinabangan ng bansa mananakop. Ito ay ang konsepto na ang
yaman ng bansa ay nasa dami ng kayang ginto at pilak
Ang mga bansang sumunod sa sistemang ito ay higit na mas marami ang iniluluwas na produkto kaysa inangkat na produkto sa mga bansang kolonya o sinakop nito.
Ito ang namayaning kaisipan pang- ekonomiya na gumagabay sa
mga patakaran ng maraming bansa sa daigdig noong unang panahon. Isinusulong
nito ang kaisipan na ang kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa dami ng
ginto at pilak dahil sa panahong iyon, nakasalalay ang pamumuno at pagkakaroon
ng kapangyarihan ng isang pinuno sa dami ng ginto at pilak.

No comments:
Post a Comment